Sabado, Oktubre 24, 2015

Sembreak na!

Ngayong Sem-break narito ang sampung bagay na aking gagawin:
1.Matutulog ako ng matagal.Halos wala na kasi akong pahinga nitong nagdaang Linggo dulot ng maraming proyekto at mga pagsusulit.
2.)Maglalaro ako ng "Criminal Case".Hindi ko na kasi ito na-uupdate dahil sa maraming gawain.
3.)Manunuod ako ng mga bagong pelikula.Hilig ko kasi ang panunuod ng mga nakakatakot at nakakaaliw na pelikula.
4.)Magbabasa ako ng mga "pocketbooks".
5.)Dadalawin ko ang aking mga pinsan.Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita.
6.)Tutulong ako sa mga gawaing-bahay.
7.)Maglalaan ako ng ilang oras upang aralin ang librong ipinahiram sa akin.Magkakaroon kasi kami ng pagsusulit roon.
8.)Aayusin ko ang mga kwaderno ko para sa ikatlong markahan.
9.)Gagawin ko ang mga takdang aralin na ibinigay sa amin.
10.)At pang huli,dadalawin ko ang aking kapatid,Lolo at lola na nasa sementeryo.

Lunes, Oktubre 19, 2015

Bansang Tsina

      Ang Bansang Tsina ay isa sa mga bansang nais kong puntahan dahil sa mga magagandang nitong lugar na pinagingatan nila ng mahabang panahon
 Ang tatlong lugar na nais kong mapuntahan kung ako ay papalarin at magkaroon ng pagkakataon makapunta sa bansang ito ay ang Great Wall of china, Terracotta Army, at ang Forbidden City

    Ang Great Wall of China sa mga mata ng karamihan ng mga biyahero, hindi mo pa nalibot ang Tsina kung hindi mo pa napuntahan at naakyat ang pader na ito
Ang isa sa mga iconic na simbolo ng Tsina, ang Great Wall ay ang pinakamahabang wall sa mundo, isang kasindak-sindak na gawa ng sinaunang arkitektura.

  Ang Terracotta Army na matatagpuan sa bayanng Xi'an ay inilatag sa ilalim ng lupa sa higit sa 2,000 taon. Subalit, noong 1974, Nahukay ito ng mga magsasaka isa sa mga pinakadakilang mga archaeological site sa mundo. noong 1987 ito ay naging World Cultural Heritage.
Ito ay naging makabuluhan dahil ang daan-daang mga detalyadong modelo na kumakatawan sa mga hukbo na nagtagumpay sa labanan sa Unidos (475-221 BC),

Ang pangatlong lugar na nais kong mapuntahan sa Bansang Tsina ay ang Forbidden City
Ang Forbidden City ay ang imperyal na palasyo ng Ming at Qing para 560 taon hanggang taong 1911. Ito ay minsan naging isang "Palasyo sa Lunsod" kung saan ang mga ordinaryong tao ay pinagbabawalan pumasok,
ngayon ito ay kilala bilang 'ang Palace Museum' sa mga Intsik, ito ay isang kabang-yaman na pinag iingatan ng mga tsino.

Ito ang mga lugar na makasaysayan na nais kong mapuntahan kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong makapunta sa bansang Tsina

Linggo, Oktubre 4, 2015

Divergent

Ang Divergent ay isang pelikula na kung saan ang bida ay isang babae.Sa pelikulang ito napagtanto ko na ang mga pagsubok na pinagdaanan ng babaeng bida ay representasyon ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga kababaihan noon at ng ilan sa ngayon.Matapang,maparaan at may paninindigan.Ito ang mga katangian ng bida sa pelikulang ito.Sa totoong buhay,tunay na ganito ang mga katangiang taglay ng isang babae.Sa kabila ng diskriminasyon at pagmamaliit sa kakayahan niya bilang isang babae,pinatunayan niyang kaya niyang pantayan at higitan ang mga kalalakihan.Natutunan ko sa pelikulang ito na ang mga kababaihan ay kayang-kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan sa anumang larangan.

Paborito kong Guro

Ang paborito kong guro ay mayroong kakaibang katangian.Sa lahat ng mga mahuhusay na guro na dumaan sa aking buhay,siya ang may pinaka-bukod tanging pamamaraan ng pagdidisiplina at paghahayag ng kaniyang pagmamahal para sa amin.Lahat ng aking mga naging guro at guro sa kasalukuyan ay may kani-kaniyang mga katangian na talagang nais kong tularan.Para sa paborito kong guro,ang pagiging masayahin,madisiplina at mapagkumbaba sa parehong pagkakataon ay ang bagay na nais kong tularan sa kaniya.Ibig sabihin nito na kung tayo ay masaya palaging pairalin ang pagiging madisiplina.Halimbawa sa loob ng klase kung nagkakatuwaan,ito ay hindi dapat pinipigilan subalit ang pagkontrol sa ingay o pagiging madisiplina ay dapat na pairalin.Kung tayo rin ay nakakamit ng parangal at nagdudulot ito ng kasiyahan,importante na manatili tayong mapagkumbaba.
Ilan lamang ito sa mga bagay na natutunan ko mula sa aking paboritong guro.Maligayang araw ng mga Guro!

Kahalagahan ng Sanaysay

Ang sanaysay ay mahalagang matutunan ng bawat mag-aaral sa asignaturang Filipino.Ito ay dahil nakatutulong ito upang mas mahasa tayo na gumamit ng mga mas angkop na salita sa paggawa ng isang sulatin.Maging ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ay ating matututunan.Karamihan sa atin ay madalas magsulat ng isang sanaysay.Hindi lamang napapansin na ang simpleng sulating ito ay pinag-aaralin rin.Mahalaga na marunong tayong umunawa,lumikha at mag-saayos upang maging kapaki-pakinabang ito.