Miyerkules, Agosto 19, 2015
Paghahayag ng damdamin
Ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao ay isang mahalagang salik ng mabuting ugnayan.
Upang maihayag ang damdamin o saloobin, ito ay nangangailangan ng katapatan sa bawat salitang nais bitawan at kasiguraduhan sa nais bigkasin.
May mga pagkakataon na ang pagbibigay saloobin ay madali lamang.Halimbawa sa mga argumentasyon o debate at pagkokomento sa isang bagay.Samantala,ang paghahayag ng damdamin sa kausap,kasama o sa ibang tao ay madalas hindi nagiging madali.Depende pa rin ito sa damdaming nais ipaalam.Halimbawa pagsasabi ng nararamdamang pagmamahal sa isang tao at pagsasabi ng hindi magandang nakikita sa kausap.
Walang masama sa paghahayag ng damdamin.Basta't isiping mabuti ang mga nais sabihin at isaalang-alang rin ang damdamin ng taong makakatanggap nito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento