Linggo, Setyembre 27, 2015

Karapatan ng mga kababaihan,sapat na nga ba?

Ang mga karapatan na mayroon ang mga kababaihan ay nakasulat o nakasaad na sa batas. Para sa akin,ito ay sapat na. Kung ang pagbabasehan ay kung ano-ano ang mga karapatang ito. Subalit ang malaking tanong para sa akin ay kung natatanggap ba o nararamdaman ng lahat ng mga kababaihan ang mga karapatang ito? Ayon sa madalas kong naririnig at napupuna sa aking kapaligiran,maraming mga kababaihan ang hindi nararamdaman ang mga karapatan na mayroon sila. May mga babae na nakararanas ng pananakit at hindi patas na pagtrato mula sa iba kahit na ito ay dapat na hindi nila kinakaharap dahil ito ay nasa batas.Kung ang bawat isa ay mayroong paggalang sa karapatang mayroon ang mga kababaihan tiyak na ito ay sapat na at maaaring maging higit pa.

Sabado, Setyembre 19, 2015

Pananakit sa mga hayop,hindi tama!

Ang mga hayop ay mayroon ding mga katangian,damdamin at pag-uugali ng gaya sa tao.Tulad rin natin,ang mga hayop ay may mga karapatang dapat na iginagalang.Hindi man sila nakapagsasalita o nakapagpapahayag ng kanilang saloobin,tiyak ay nasasaktan rin sila.Lalo na ngayon laganap ang mga insidente na kung saan ang mga hayop ay sinasaktan,pinagmamalupitan at pinaglalaruan.Para sa akin wala tayong karapatang manakit ng mga hayop na wala namang anumang naidudulot na masama sa atin.Naniniwala ako na ang mga hayop ay umaakto depende pa rin sa kung paano natin sila tratuhin.

Linggo, Setyembre 13, 2015

10 bagay na aking gagawin sa bansang Korea :)

Ang bansang Korea ang isa sa mga bansang pinapangarap kong mapuntahan.Kung ako ay papalarin,narito ang sampu sa mga pangunahing bagay na aking gagawin sa bansang ito;
Una;Magseselfie ako sa unang pagtapak ko sa Korea.
Pangalawa;Kukunan ko ng larawan ang bawat bagay na aking makikita.
Pangatlo;Titikman ko ang iba't-ibang pagkain na sikat sa bansang ito tulad ng Bibimbap,Kimchi at Yangneom Tongdak (Seasoned Fried Chicken).
Pang-apat;Papasyalan ko ang sikat na hardin sa Korea,ang "The Garden of Morning Calm" sa Gapyeong na kung saan ay mayroon itong dalawampung tema at limang libong iba't ibang klase ng mga halaman.
Pang-lima;Kukunan ko ng larawan ang magandang lugar na kung saan ay makikita ang mahigit dalawang daang "spectacled teals" ( uri ng ibon sa bansang Korea) na sama-samang lumilipad.
Pang-anim;Pupunta ako sa Soyang Lake kung saan ginaganap ang Inje Smelts Festival. Dito ay maaaring mangisda ang bawat turistang dadalaw rito o kaya'y magtayo na lamang ng maliit na tent at doo'y magpahinga.
Pang-pito;Nais ko ring mamasyal sa sikat na makasaysayang lugar ng Korea,ang Nami Island. Dito kinunan ng eksena ang sikat na pelikula ng bansa,ang Winter Sonata.
Pang-walo;Nais ko ring maranasan ang tumawid sa 81-metrong taas na tulay ng Korea,ang Daedun Mountain Suspension Bridge na mayroong matitingkad na kulay ang kapaligiran.
Pang-siyam;Sa aking pamamalagi,nais kong mamalagi sa tradisyonal na "village" sa Korea,ang Yang Dong Traditional Village.Minsan na itong nadalaw ng ilang sikat na personalidad tulad nina Prince Charles at Ban Ki-Moon.
Pang-sampu;bibili ako ng mga produktong kilala sa bansang ito tulad ng mga "Handicrafts",mga kasuotan at kagamitan.

Linggo, Setyembre 6, 2015

"Ber-months na!"

 Unang Linggo pa lamang ng buwan ng Setyembre,ilan na sa aking mga kapitbahay ay naglalagay na ng mga palamuti sa kani-kanilang mga tahanan tulad ng mga parol at "Christmas lights".
 Lubhang napakalayo pa ng kapaskuhan ngunit ang ilan ay nasasabik na sa muling pagsapit nito.Kabilang ako sa mga taong masaya sa pagdating ng "Ber-Months".Dahil para sa akin,ang mga ito ang pinaka-masasayang buwan ng taon.
 Sa kabilang dako,hindi ko rin mawari kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman gayong naiisip ko na tunay ngang napaka-bilis lumipas ng panahon.Parang kailan lang ay pasko pa.Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagiging isang alaala na lamang dahil sa mabilis na paglipas ng oras.
Ngunit ang kapaskuhan para sa akin,ang magpapaalala ng masasayang bagay na nangyari at lumipas na sa aking buhay.Kaya alam kong wala akong dapat na ikabahala.