Unang Linggo pa lamang ng buwan ng Setyembre,ilan na sa aking mga kapitbahay ay naglalagay na ng mga palamuti sa kani-kanilang mga tahanan tulad ng mga parol at "Christmas lights".
Lubhang napakalayo pa ng kapaskuhan ngunit ang ilan ay nasasabik na sa muling pagsapit nito.Kabilang ako sa mga taong masaya sa pagdating ng "Ber-Months".Dahil para sa akin,ang mga ito ang pinaka-masasayang buwan ng taon.
Sa kabilang dako,hindi ko rin mawari kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman gayong naiisip ko na tunay ngang napaka-bilis lumipas ng panahon.Parang kailan lang ay pasko pa.Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagiging isang alaala na lamang dahil sa mabilis na paglipas ng oras.
Ngunit ang kapaskuhan para sa akin,ang magpapaalala ng masasayang bagay na nangyari at lumipas na sa aking buhay.Kaya alam kong wala akong dapat na ikabahala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento