Linggo, Pebrero 14, 2016

"Katangian ng isang lider"

 Magtatapos na naman ang taong panuntunan ng paaralan.Kailangan na naman nating pumili ng mga bagong miyembro ng SSG. Mga miyembrong magsisilbing lider ng lahat ng mag-aaral ng Mambugan National High School.  Ano nga ba ang mga katangiang dapat taglayin ng SSG? Sa tingin ko, una,kailangan ang disiplinang magmumula sa sarili. Ang isang lider ay hindi magiging epektibong taga-disiplina kung mismong sarili nito ay hindi nagagawang disiplinahin. Lahat ng mga batas o palatuntunan sa paaralan ay dapat masigurong sinusunod nito.  Pangalawa, may kakayahang pasunurin ang mga mag-aaral. Kung sa loob pa lamang ng klase, hindi nito kayang maging isang responsable at mabuting lider sa mga pangkatang gawain o sa mismong mga kaklase nito, sa tingin ko ay hindi ito magiging epektibong pinuno. Dahil naniniwala akong dapat magsimula muna sa pamumuno sa maliit na bilang ng nasasakupan bago mamuno sa mas malaking nasasakupan .  Pangatlo, masipag at mapagkakatiwalaan. Mahalaga na ang isang lider ay masipag. Ang pagiging bahagi ng organisasyong ito ay isang malaking responsibilidad na dapat gampanan. Dapat ang trabaho ay masigurong maayos, malinis at naisasagawa sa mas maagang oras. Hindi rin dapat mapabayaan ang sariling pag-aaral. Mas mabuti kung sa parehong bagay na ito ay maganda ang nagagawa. Kailangan lang ng matinding "Time Management". Mahalaga rin na ito'y mapagkakatiwalaan.  Hindi biro ang humawak ng posisyon sa SSG. Kailangang pinagdedesisyunang mabuti ang pagsali rito dahil hindi ito isang laro na kapag nagsawa ka na,ititigil mo na ang laban. Pinaghahandaan at pinag-aaralang mabuti ang bagay na ito. Isa itong malaking responsibilidad dahil hindi lamang ang sariling kaayusan ang nakataya kundi ng buong paaralan.

"Sineryoso noon,' di na ngayon"

Noon,tuwing madadapa ako at masusugatan, kahit iyo ay napaka-liit lamang o gasgas lang, iniiyakan ko na ito sa pag-iisip na may lalabas ritong kainin, pari o kabayo.  Ngayon, sa tuwing ako'y masusugatan kahit pa sobrang sakit na, hindi ko na lamang pinapansin dahil ngayon, mas maraming importanteng bagay ang dapat kong pagtuunan ng pansin kaysa sa nararamdaman ko.  Noon, sineseryoso ko sa tuwing magagalit ang aking ina. Iniisip ko na baka palayasin ako nito kung kaya nagtatago na lamang ako.  Ngayon, hinahayaan ko na lamang na magalit ito at palilipasin na lamang ang galit nito pagkatapos ay wala na.  Natatawa na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang mga ito .. Ilan lamang ito sa mga bagay na sineryoso noon hindi na ngayon.

Araw ng mga PUSO

Araw ng mga PUSO heart emoticon

Tuwing Pebrero 14 ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Puso.Marami ang masaya,nasasabik at mayroon ring mga walang pakialam."Bitter" kung ituring.
 Para saan ba ang araw na ito? Syempre tungkol sa Puso sa'n pa nga ba? Ipinagdiriwang ito para sa lahat ng taong nagmamahal at minamahal. Hindi lamang ito para sa mga mag-kasintahan, magkaibigan kundi para rin sa pamilya.Para sa akin, mahalaga pa ring ipagdiwang ang araw na ito dahil karamihan sa atin ay wala ng oras para sa mga taong mahal natin.Isa itong paraan upang maipakita o maiparamdam na mahal na mahal natin sila.
 Hindi man araw-araw ay Pebrero 14, mahalaga na maiparamdam natin kahit sa pinaka-simpleng paraan ang pagmamahal natin para sa kanila.