Sabado, Nobyembre 21, 2015

"Ang tinig ni nanay"


Bunganga dito. Bunganga do'n. Sigaw dito. Sigaw do'n. Puna dito. Puna do'n. Paulit-ulit ko na lamang naririnig ang musikng likha niya. Araw-araw ay gigisingin niya kami ng mga birit niyang talaga namang pampagising sa umaga. Ang ginintuan niyang tinig ang dahilan ng aming pagkilos. Dahil sa tinig niyang daig pa ang signal ng telepono sa bilis, natututo kaming gawin ang mga bagay na maaaring gawin na ath hindi na ipagpabukas.

Ang tinig niya ring ito ang nagsisilbi kong gabay sa araw-araw. Palagi'y pinapayuhan niya ko sa mga problemang ibinabahagi ko mapa-simple man o hindi. Dahil sa tinig niya nalalaman ko ang pagkakaiba ng tama sa mali. Madalas ay tinatakpan ko na lamang ang aking tenga sa tuwing siya ay nagsasalita. Paulit-ulit na lang kasi. Nakakarindi kumbaga. Ngunit napag isip-isip ko na kailanma'y hindi ko pagsasawaan ang tinig niya.

Wala akong ibang tinig na nais marinig kundi ang sa kanya. Isang malaking pagbabago siguro kung hindi ko ito maririnig. Nasanay na akong naririnig siya. May mga pagkakataong masaya, malungkot, at madalas ay galit. Napapagod rin kasi siya.

Kaya ngayon nais kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ang tinig niya ang pinaka paborito kong naririnig sa araw-araw. Ang tinig niyang mala-ginto, kailanma'y hindi mangungupas dahil siya ang aking pinakamamahal na inay.

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Ang Daang Tatahakin

     
         Nais kong tahakin ang daan tungo sa kagustuhan ng Diyos.
ang pag-iwan sa mga makamundong bagay at mabuhay sa pagmamahal niya.
Ang daan na kung saan ay matututo akong humingi ng tawad at magpatawad sa mga taong nagkasala at nakasakit sa akin. Ang daan na mayroong kapayapaan at kasaganahan
        Ang pagtahak sa daan ng kabutihan ay ang magbibigay sa atin ng pagkakaroon ng malinis na konsensya at kaginhawaan sa buhay. Matututo tayo na maging masaya sa kahit maliit na bagay na natatanggap natin mula sa kaniya.

Reyalisasyon

        Sa mga nagdaang aralin, natutunan ko ang tatlong mahahalagang bagay sa mundo;
Una, Ang pahalagahan ang pananampalataya sa Diyos. Kasama sa pagiging isang tunay na anak ng Diyos ay kilalanin ang tagapag-likha nito.
        Pangalawa, ang maging kuntento sa mga bagay na natatanggap mula sa kaniya. Naniniwala ako na mula sa kaniya makakatanggap lamang tayo ng tatlong kasagutan. Ito ay hindi, oo, at maghintay. Hindi para sa mga bagay na hindi nakalaan sa atin. Oo para sa mga bagay na nakatadhana sa atin at mag hintay para sa mga bagay na sa tingin natin ay wala pang kasagutan.
         Ikatlo, iwasan ang ikumpara ang sarili sa iba. Madalas ay ikinukumpara ko ang sarili sa iba. Palagi ay nagtatanong ako kung bakit tila hindi patas ang mga bagay-bagay. kung bakit "ganito siya" at " ganito lamang ako". Ngunit napagtanto ko na ang pagkukumpara ng sarili sa iba ay hindi mabuting gawain. Maaari itong makapagdulot ng masama sa sarili at sa kapwa. Palagi nating tatandaan na kung tayo ay nananampalataya sa Diyos, magiging kuntento tayo sa lahat ng bagay at dahil rito maiiwasan natin ang pagkukumpara ng ating sarili sa iba.