Sabado, Nobyembre 21, 2015
"Ang tinig ni nanay"
Bunganga dito. Bunganga do'n. Sigaw dito. Sigaw do'n. Puna dito. Puna do'n. Paulit-ulit ko na lamang naririnig ang musikng likha niya. Araw-araw ay gigisingin niya kami ng mga birit niyang talaga namang pampagising sa umaga. Ang ginintuan niyang tinig ang dahilan ng aming pagkilos. Dahil sa tinig niyang daig pa ang signal ng telepono sa bilis, natututo kaming gawin ang mga bagay na maaaring gawin na ath hindi na ipagpabukas.
Ang tinig niya ring ito ang nagsisilbi kong gabay sa araw-araw. Palagi'y pinapayuhan niya ko sa mga problemang ibinabahagi ko mapa-simple man o hindi. Dahil sa tinig niya nalalaman ko ang pagkakaiba ng tama sa mali. Madalas ay tinatakpan ko na lamang ang aking tenga sa tuwing siya ay nagsasalita. Paulit-ulit na lang kasi. Nakakarindi kumbaga. Ngunit napag isip-isip ko na kailanma'y hindi ko pagsasawaan ang tinig niya.
Wala akong ibang tinig na nais marinig kundi ang sa kanya. Isang malaking pagbabago siguro kung hindi ko ito maririnig. Nasanay na akong naririnig siya. May mga pagkakataong masaya, malungkot, at madalas ay galit. Napapagod rin kasi siya.
Kaya ngayon nais kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ang tinig niya ang pinaka paborito kong naririnig sa araw-araw. Ang tinig niyang mala-ginto, kailanma'y hindi mangungupas dahil siya ang aking pinakamamahal na inay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento