Sa mga nagdaang aralin, natutunan ko ang tatlong mahahalagang bagay sa mundo;
Una, Ang pahalagahan ang pananampalataya sa Diyos. Kasama sa pagiging isang tunay na anak ng Diyos ay kilalanin ang tagapag-likha nito.
Pangalawa, ang maging kuntento sa mga bagay na natatanggap mula sa kaniya. Naniniwala ako na mula sa kaniya makakatanggap lamang tayo ng tatlong kasagutan. Ito ay hindi, oo, at maghintay. Hindi para sa mga bagay na hindi nakalaan sa atin. Oo para sa mga bagay na nakatadhana sa atin at mag hintay para sa mga bagay na sa tingin natin ay wala pang kasagutan.
Ikatlo, iwasan ang ikumpara ang sarili sa iba. Madalas ay ikinukumpara ko ang sarili sa iba. Palagi ay nagtatanong ako kung bakit tila hindi patas ang mga bagay-bagay. kung bakit "ganito siya" at " ganito lamang ako". Ngunit napagtanto ko na ang pagkukumpara ng sarili sa iba ay hindi mabuting gawain. Maaari itong makapagdulot ng masama sa sarili at sa kapwa. Palagi nating tatandaan na kung tayo ay nananampalataya sa Diyos, magiging kuntento tayo sa lahat ng bagay at dahil rito maiiwasan natin ang pagkukumpara ng ating sarili sa iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento