Linggo, Disyembre 6, 2015

Paborito kong "Music Video"


 Ang paborito kong "music video" ay ang  'Pag-ibig' ni Yeng Constantino.
Ang mensahe ng kantang ito ay tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig.
Ayon rito,hindi isang materyal na bagay ang pagmamahal na maaaring palitan kapag ayaw na o sawa na.
Hindi ito cellphone,damit o kung anong gadgets na maluma lang ay papalitan agad ng kung anong uso.
Higit sa lahat hindi ito pinaglalaruan.Ang mensahe ng kantang ito ay dapat na isinasapuso ng mga taga-pakinig upang mas lalong maging maganda ang awitin.
Pagdating naman sa pagkakagawa ng "music video" na ito,nagustuhan ko ito dahil sa makulay na "props",masayang himig at syempre ang maayos na
pagkaka-arte ng idolo kong si Yeng Constantino.Napaka-malikhain ng pagkakagawa ng awiting ito.Bagama't ilang taon mula nang ito ay
sumikat,hindi pa rin ako nagsasawang ulit-uliting panoorin ito.Marami pa akong paboritong "music video", at lahat ng iyon ay kanta ni Yeng Constantino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento