Isinagawa ang Earthquake Drill sa aming paaralan bilang bahagi ng Nationwide Earthquake Drill sa bansa.Layunin nito na masukat ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Mahalaga ang ginawang pagsasanay na ito para sa lahat dahil makatutulong ito upang mahasa natin ang ating kaalaman sa ganitong paghahanda.
Ayon sa aking na-obserbahan,karamihan sa aking mga kapwa mag-aaral ay hindi pa lubos na handa.Hindi sineseryoso at inuuna ang ibang bagay tulad ng pag-aayos ng kani-kanilang mga gamit at hitsura.
Sa ganitong pagsasanay,nararapat na ito ay isabuhay ng bawat isa. Dahil hindi maiiwasan o hindi natin malalaman kung kailan eksaktong darating ang sakunang katulad nito.Ngunit maiiwasan natin ang malubhang epekto kung tayo ay may sapat na kaalaman at mahusay na kahandaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento