Kaibigan
Ang kaibigan ay isa sa mga maituturing na pinaka importantent tao pra sa atin.
Ibat-ibang papel ang kanilang maaring ginagampanan sa ating buhay. Maaring bilang isang kapatid, karamay o inspirasyon. Ngunit ano pa man, nakasisigurado ako na ang kaibigan ay kailangan ng bawat isa.
Marami rin mga katangian ang maaring mayroon ang isang kaibigan. Parasa akin may tatlong katangian ang nais kong taglay nito;
Una isang mapagkakatiwalaang kaibigan na maaari kong maging karamay sa tuwing ako ay masaya at malungkot.
Pangalawa may takot sa Diyos na siyang nagsisilbing mabuting halimbawa.
Pangatlo isang tapat at maaasahang tunay na kaibigan.
Naniniwala ako na hindi mahirap makahanap ng kaibigan na mayroon ng mga katangiang ito. Sila ay kusang dumarating sa ating buhay sa gitna ng mga oras na sila ay ating kailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento