Ang alamat na ito ay tungkol sa isang lalaki na ubod ng katamaran.Nakilala ang istoryang ito sa eksena na kung saan ay inaantay ni Juan Tamad na mahulog ang bayabas mula sa puno nito nang hindi siya kumikilos upang makuha ito. Ayon sa kuwento ay maraming pangyayari ang nagpapatunay ng likas na katamaran ni Juan.Halimbawa nito ay nang utusan siyang bumili ng kanyang ina ng talangka para sa kanilang hapunan. Habang siya ay pauwi,nakita ni Juan si Mariang Masipag at ninais nitong makausap ang dalaga kung kaya ay inutusan na lamang nito ang mga nabiling talangka na sa kanilang bahay nang mag-isa.Itinuro na lamang ni Juan ang direksyon patungo sa kanilang tahanan. Si Mariang Masipag ay ang dalagang sinisinta ni Juan Tamad. Halos araw-araw ay gumigising siya ng maaga upang dalawin ito na siya namang kinaiinisan ng ina ni Maria dahil ayaw nito sa katangian ng binata. Samantala,nang malaman ng ina ni Juan ang ginawa nito sa kanilang hapunan ay sumikip ang dibdib nito dulot ng sama ng loob sa anak. Dito na unti-unting nagbago si Juan.Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay at gumigising na siya ng maaga upang mamili ng kakainin nilang mag-ina.Pinagpatuloy na rin ni Juan ang panliligaw kay Maria at pinatunayan sa mga magulang nito na tuluyan na siyang nagbago. Dahil sa takot na mawala ang kaniyang ina dulot ng konsumisyong ibinibigay ni Juan at dahil na rin sa pag-ibig niya kay Mariang Masipag ginagawa na nito kung ano ang tama.. kung kaya't ang bansag sa kaniyang Juan Tamad ay tuluyan ng naging Juan Tama.
Repleksyon: Lahat tayo ay may mga katangiang hindi mabuti.Maaaring tulad ni Juan ay mabuti tayo ngunit may katangian pa rin itong hindi kaaya-aya.Ngunit hindi pa huli ang lahat lalo na para sa mga taong nais magbago.Natutunan ko sa kwentong ito na huwag na natin antayin pa ang mga maaaring mangyari dulot ng ating maling gawain.Laging isaalang-alang ang mga mabuting dulot ng paggawa ng mabuti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento