"Karansan sa Asignaturang Filipino"
Karanasan sa Asignaturang Filipino
Ang asignaturang Filipino ay nagturo aa aking pahalagahan ang kultura/lahing mayroon ako. Naginh masaya ang asignaturang ito para sa akin dahil sa loob ng halos isang taon ay nagkaroon kami ng Gurong hindi nakakaligtaang pahiran ng saya ang pagtuturo niya sa amin.
Sa mga kadalasang pangkatang gawain ay lubos kong nauunawaan ang bawat leksyon sa amin. Sabihin mang nakakapagod dahil kinakailangang magtulungan ang bawat isa upang makakuha ng mataas na marka sa kooperasyon, napapawi naman ito ng mga komentong positibo ng aming guro na nakakapagpasaya sa amin at ng mga negatibong komentong humahasa pa sa amin.
Lubos ko ring ikinatutuwa ang madalas na paggawa ng mga essays/talata na may kinalaman sa aralin. Nakakabagot man para sa ilan, ito ang pinaka-masayang gawain para sa akin.
Maging ang pagbabasa ay akin ring kinahihiligan lalo na kung ito'y punong-puno ng mga karakter at mga pangyayaring nagpapalawak ng aking imahinasyon.
Ilan lamang ito sa mga karanasan ko sa asignaturang Filipino. Batid kong ang masasayang karanasan ko'y maging karanasan rin ng mga susunod sa amin. Karanasang punong-puno ng saya at aral.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento