Kasabay ng paglipas ng panahon, nagbabago ang maraming bagay sa atin. Nagbabago ang kung anong gusto nating madalas kainin, kung anong madalas gawin, estilo ng pananamit at maging ang pag-uugali sa isang bagay o tao sa ibang pagkakataon.Bunga ito ng impluwensya ng mga bagay na umuusbong araw-araw.
May mga bagay pa rin namang masasabi nating hindi nagbabago o mga bagay na ating "paborito". Kagaya na lamang noon ay hilig ko na ang panunuod ng mga pelikulang punong-puno ng "adventures" at kakaibang "love story", ilan rito ay ang "Nim's Island", "Bridge to Terrabithia", "Journey to the Center of the Earth", "Twilight" at marami pang iba. Paborito ko ring gawin noon ay ang pagbabasa ng mga kwentong "magical" hanggang ngayon ay paborito ko itong gawing pampalipas oras.
Ilan lamang ito sa mga paborito kong gawin noon hanggang ngayon. Nakakaramdam ako ng saya sa tuwing ginagawa ko ang mga ito kaya masasabi kong paborito ko ito mula noon hanggang ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento