Linggo, Disyembre 6, 2015
Paborito kong "Music Video"
Ang paborito kong "music video" ay ang 'Pag-ibig' ni Yeng Constantino.
Ang mensahe ng kantang ito ay tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig.
Ayon rito,hindi isang materyal na bagay ang pagmamahal na maaaring palitan kapag ayaw na o sawa na.
Hindi ito cellphone,damit o kung anong gadgets na maluma lang ay papalitan agad ng kung anong uso.
Higit sa lahat hindi ito pinaglalaruan.Ang mensahe ng kantang ito ay dapat na isinasapuso ng mga taga-pakinig upang mas lalong maging maganda ang awitin.
Pagdating naman sa pagkakagawa ng "music video" na ito,nagustuhan ko ito dahil sa makulay na "props",masayang himig at syempre ang maayos na
pagkaka-arte ng idolo kong si Yeng Constantino.Napaka-malikhain ng pagkakagawa ng awiting ito.Bagama't ilang taon mula nang ito ay
sumikat,hindi pa rin ako nagsasawang ulit-uliting panoorin ito.Marami pa akong paboritong "music video", at lahat ng iyon ay kanta ni Yeng Constantino.
Sabado, Nobyembre 21, 2015
"Ang tinig ni nanay"
Bunganga dito. Bunganga do'n. Sigaw dito. Sigaw do'n. Puna dito. Puna do'n. Paulit-ulit ko na lamang naririnig ang musikng likha niya. Araw-araw ay gigisingin niya kami ng mga birit niyang talaga namang pampagising sa umaga. Ang ginintuan niyang tinig ang dahilan ng aming pagkilos. Dahil sa tinig niyang daig pa ang signal ng telepono sa bilis, natututo kaming gawin ang mga bagay na maaaring gawin na ath hindi na ipagpabukas.
Ang tinig niya ring ito ang nagsisilbi kong gabay sa araw-araw. Palagi'y pinapayuhan niya ko sa mga problemang ibinabahagi ko mapa-simple man o hindi. Dahil sa tinig niya nalalaman ko ang pagkakaiba ng tama sa mali. Madalas ay tinatakpan ko na lamang ang aking tenga sa tuwing siya ay nagsasalita. Paulit-ulit na lang kasi. Nakakarindi kumbaga. Ngunit napag isip-isip ko na kailanma'y hindi ko pagsasawaan ang tinig niya.
Wala akong ibang tinig na nais marinig kundi ang sa kanya. Isang malaking pagbabago siguro kung hindi ko ito maririnig. Nasanay na akong naririnig siya. May mga pagkakataong masaya, malungkot, at madalas ay galit. Napapagod rin kasi siya.
Kaya ngayon nais kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ang tinig niya ang pinaka paborito kong naririnig sa araw-araw. Ang tinig niyang mala-ginto, kailanma'y hindi mangungupas dahil siya ang aking pinakamamahal na inay.
Linggo, Nobyembre 15, 2015
Ang Daang Tatahakin
Nais kong tahakin ang daan tungo sa kagustuhan ng Diyos.
ang pag-iwan sa mga makamundong bagay at mabuhay sa pagmamahal niya.
Ang daan na kung saan ay matututo akong humingi ng tawad at magpatawad sa mga taong nagkasala at nakasakit sa akin. Ang daan na mayroong kapayapaan at kasaganahan
Ang pagtahak sa daan ng kabutihan ay ang magbibigay sa atin ng pagkakaroon ng malinis na konsensya at kaginhawaan sa buhay. Matututo tayo na maging masaya sa kahit maliit na bagay na natatanggap natin mula sa kaniya.

Reyalisasyon
Sa mga nagdaang aralin, natutunan ko ang tatlong mahahalagang bagay sa mundo;
Una, Ang pahalagahan ang pananampalataya sa Diyos. Kasama sa pagiging isang tunay na anak ng Diyos ay kilalanin ang tagapag-likha nito.
Pangalawa, ang maging kuntento sa mga bagay na natatanggap mula sa kaniya. Naniniwala ako na mula sa kaniya makakatanggap lamang tayo ng tatlong kasagutan. Ito ay hindi, oo, at maghintay. Hindi para sa mga bagay na hindi nakalaan sa atin. Oo para sa mga bagay na nakatadhana sa atin at mag hintay para sa mga bagay na sa tingin natin ay wala pang kasagutan.
Ikatlo, iwasan ang ikumpara ang sarili sa iba. Madalas ay ikinukumpara ko ang sarili sa iba. Palagi ay nagtatanong ako kung bakit tila hindi patas ang mga bagay-bagay. kung bakit "ganito siya" at " ganito lamang ako". Ngunit napagtanto ko na ang pagkukumpara ng sarili sa iba ay hindi mabuting gawain. Maaari itong makapagdulot ng masama sa sarili at sa kapwa. Palagi nating tatandaan na kung tayo ay nananampalataya sa Diyos, magiging kuntento tayo sa lahat ng bagay at dahil rito maiiwasan natin ang pagkukumpara ng ating sarili sa iba.

Sabado, Oktubre 24, 2015
Sembreak na!
Ngayong Sem-break narito ang sampung bagay na aking gagawin:
1.Matutulog ako ng matagal.Halos wala na kasi akong pahinga nitong nagdaang Linggo dulot ng maraming proyekto at mga pagsusulit.
2.)Maglalaro ako ng "Criminal Case".Hindi ko na kasi ito na-uupdate dahil sa maraming gawain.
3.)Manunuod ako ng mga bagong pelikula.Hilig ko kasi ang panunuod ng mga nakakatakot at nakakaaliw na pelikula.
4.)Magbabasa ako ng mga "pocketbooks".
5.)Dadalawin ko ang aking mga pinsan.Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita.
6.)Tutulong ako sa mga gawaing-bahay.
7.)Maglalaan ako ng ilang oras upang aralin ang librong ipinahiram sa akin.Magkakaroon kasi kami ng pagsusulit roon.
8.)Aayusin ko ang mga kwaderno ko para sa ikatlong markahan.
9.)Gagawin ko ang mga takdang aralin na ibinigay sa amin.
10.)At pang huli,dadalawin ko ang aking kapatid,Lolo at lola na nasa sementeryo.

Lunes, Oktubre 19, 2015
Bansang Tsina
Ang Bansang Tsina ay isa sa mga bansang nais kong puntahan dahil sa mga magagandang nitong lugar na pinagingatan nila ng mahabang panahon
Ang tatlong lugar na nais kong mapuntahan kung ako ay papalarin at magkaroon ng pagkakataon makapunta sa bansang ito ay ang Great Wall of china, Terracotta Army, at ang Forbidden City
Ang Great Wall of China sa mga mata ng karamihan ng mga biyahero, hindi mo pa nalibot ang Tsina kung hindi mo pa napuntahan at naakyat ang pader na ito
Ang isa sa mga iconic na simbolo ng Tsina, ang Great Wall ay ang pinakamahabang wall sa mundo, isang kasindak-sindak na gawa ng sinaunang arkitektura.
Ang Terracotta Army na matatagpuan sa bayanng Xi'an ay inilatag sa ilalim ng lupa sa higit sa 2,000 taon. Subalit, noong 1974, Nahukay ito ng mga magsasaka isa sa mga pinakadakilang mga archaeological site sa mundo. noong 1987 ito ay naging World Cultural Heritage.
Ito ay naging makabuluhan dahil ang daan-daang mga detalyadong modelo na kumakatawan sa mga hukbo na nagtagumpay sa labanan sa Unidos (475-221 BC),
Ang pangatlong lugar na nais kong mapuntahan sa Bansang Tsina ay ang Forbidden City
Ang Forbidden City ay ang imperyal na palasyo ng Ming at Qing para 560 taon hanggang taong 1911. Ito ay minsan naging isang "Palasyo sa Lunsod" kung saan ang mga ordinaryong tao ay pinagbabawalan pumasok,
ngayon ito ay kilala bilang 'ang Palace Museum' sa mga Intsik, ito ay isang kabang-yaman na pinag iingatan ng mga tsino.
Ito ang mga lugar na makasaysayan na nais kong mapuntahan kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataong makapunta sa bansang Tsina

Linggo, Oktubre 4, 2015
Divergent
Ang Divergent ay isang pelikula na kung saan ang bida ay isang babae.Sa pelikulang ito napagtanto ko na ang mga pagsubok na pinagdaanan ng babaeng bida ay representasyon ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga kababaihan noon at ng ilan sa ngayon.Matapang,maparaan at may paninindigan.Ito ang mga katangian ng bida sa pelikulang ito.Sa totoong buhay,tunay na ganito ang mga katangiang taglay ng isang babae.Sa kabila ng diskriminasyon at pagmamaliit sa kakayahan niya bilang isang babae,pinatunayan niyang kaya niyang pantayan at higitan ang mga kalalakihan.Natutunan ko sa pelikulang ito na ang mga kababaihan ay kayang-kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan sa anumang larangan.
Paborito kong Guro
Ang paborito kong guro ay mayroong kakaibang katangian.Sa lahat ng mga mahuhusay na guro na dumaan sa aking buhay,siya ang may pinaka-bukod tanging pamamaraan ng pagdidisiplina at paghahayag ng kaniyang pagmamahal para sa amin.Lahat ng aking mga naging guro at guro sa kasalukuyan ay may kani-kaniyang mga katangian na talagang nais kong tularan.Para sa paborito kong guro,ang pagiging masayahin,madisiplina at mapagkumbaba sa parehong pagkakataon ay ang bagay na nais kong tularan sa kaniya.Ibig sabihin nito na kung tayo ay masaya palaging pairalin ang pagiging madisiplina.Halimbawa sa loob ng klase kung nagkakatuwaan,ito ay hindi dapat pinipigilan subalit ang pagkontrol sa ingay o pagiging madisiplina ay dapat na pairalin.Kung tayo rin ay nakakamit ng parangal at nagdudulot ito ng kasiyahan,importante na manatili tayong mapagkumbaba.
Ilan lamang ito sa mga bagay na natutunan ko mula sa aking paboritong guro.Maligayang araw ng mga Guro!
Ilan lamang ito sa mga bagay na natutunan ko mula sa aking paboritong guro.Maligayang araw ng mga Guro!
Kahalagahan ng Sanaysay
Ang sanaysay ay mahalagang matutunan ng bawat mag-aaral sa asignaturang Filipino.Ito ay dahil nakatutulong ito upang mas mahasa tayo na gumamit ng mga mas angkop na salita sa paggawa ng isang sulatin.Maging ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ay ating matututunan.Karamihan sa atin ay madalas magsulat ng isang sanaysay.Hindi lamang napapansin na ang simpleng sulating ito ay pinag-aaralin rin.Mahalaga na marunong tayong umunawa,lumikha at mag-saayos upang maging kapaki-pakinabang ito.
Linggo, Setyembre 27, 2015
Karapatan ng mga kababaihan,sapat na nga ba?
Ang mga karapatan na mayroon ang mga kababaihan ay nakasulat o nakasaad na sa batas. Para sa akin,ito ay sapat na. Kung ang pagbabasehan ay kung ano-ano ang mga karapatang ito. Subalit ang malaking tanong para sa akin ay kung natatanggap ba o nararamdaman ng lahat ng mga kababaihan ang mga karapatang ito? Ayon sa madalas kong naririnig at napupuna sa aking kapaligiran,maraming mga kababaihan ang hindi nararamdaman ang mga karapatan na mayroon sila. May mga babae na nakararanas ng pananakit at hindi patas na pagtrato mula sa iba kahit na ito ay dapat na hindi nila kinakaharap dahil ito ay nasa batas.Kung ang bawat isa ay mayroong paggalang sa karapatang mayroon ang mga kababaihan tiyak na ito ay sapat na at maaaring maging higit pa.
Sabado, Setyembre 19, 2015
Pananakit sa mga hayop,hindi tama!
Ang mga hayop ay mayroon ding mga katangian,damdamin at pag-uugali ng gaya sa tao.Tulad rin natin,ang mga hayop ay may mga karapatang dapat na iginagalang.Hindi man sila nakapagsasalita o nakapagpapahayag ng kanilang saloobin,tiyak ay nasasaktan rin sila.Lalo na ngayon laganap ang mga insidente na kung saan ang mga hayop ay sinasaktan,pinagmamalupitan at pinaglalaruan.Para sa akin wala tayong karapatang manakit ng mga hayop na wala namang anumang naidudulot na masama sa atin.Naniniwala ako na ang mga hayop ay umaakto depende pa rin sa kung paano natin sila tratuhin.
Linggo, Setyembre 13, 2015
10 bagay na aking gagawin sa bansang Korea :)
Ang bansang Korea ang isa sa mga bansang pinapangarap kong mapuntahan.Kung ako ay papalarin,narito ang sampu sa mga pangunahing bagay na aking gagawin sa bansang ito;
Una;Magseselfie ako sa unang pagtapak ko sa Korea.
Pangalawa;Kukunan ko ng larawan ang bawat bagay na aking makikita.
Pangatlo;Titikman ko ang iba't-ibang pagkain na sikat sa bansang ito tulad ng Bibimbap,Kimchi at Yangneom Tongdak (Seasoned Fried Chicken).
Pang-apat;Papasyalan ko ang sikat na hardin sa Korea,ang "The Garden of Morning Calm" sa Gapyeong na kung saan ay mayroon itong dalawampung tema at limang libong iba't ibang klase ng mga halaman.
Pang-lima;Kukunan ko ng larawan ang magandang lugar na kung saan ay makikita ang mahigit dalawang daang "spectacled teals" ( uri ng ibon sa bansang Korea) na sama-samang lumilipad.
Pang-anim;Pupunta ako sa Soyang Lake kung saan ginaganap ang Inje Smelts Festival. Dito ay maaaring mangisda ang bawat turistang dadalaw rito o kaya'y magtayo na lamang ng maliit na tent at doo'y magpahinga.
Pang-pito;Nais ko ring mamasyal sa sikat na makasaysayang lugar ng Korea,ang Nami Island. Dito kinunan ng eksena ang sikat na pelikula ng bansa,ang Winter Sonata.
Pang-walo;Nais ko ring maranasan ang tumawid sa 81-metrong taas na tulay ng Korea,ang Daedun Mountain Suspension Bridge na mayroong matitingkad na kulay ang kapaligiran.
Pang-siyam;Sa aking pamamalagi,nais kong mamalagi sa tradisyonal na "village" sa Korea,ang Yang Dong Traditional Village.Minsan na itong nadalaw ng ilang sikat na personalidad tulad nina Prince Charles at Ban Ki-Moon.
Pang-sampu;bibili ako ng mga produktong kilala sa bansang ito tulad ng mga "Handicrafts",mga kasuotan at kagamitan.

Linggo, Setyembre 6, 2015
"Ber-months na!"
Unang Linggo pa lamang ng buwan ng Setyembre,ilan na sa aking mga kapitbahay ay naglalagay na ng mga palamuti sa kani-kanilang mga tahanan tulad ng mga parol at "Christmas lights".
Lubhang napakalayo pa ng kapaskuhan ngunit ang ilan ay nasasabik na sa muling pagsapit nito.Kabilang ako sa mga taong masaya sa pagdating ng "Ber-Months".Dahil para sa akin,ang mga ito ang pinaka-masasayang buwan ng taon.
Sa kabilang dako,hindi ko rin mawari kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman gayong naiisip ko na tunay ngang napaka-bilis lumipas ng panahon.Parang kailan lang ay pasko pa.Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagiging isang alaala na lamang dahil sa mabilis na paglipas ng oras.
Ngunit ang kapaskuhan para sa akin,ang magpapaalala ng masasayang bagay na nangyari at lumipas na sa aking buhay.Kaya alam kong wala akong dapat na ikabahala.

Huwebes, Agosto 27, 2015
bakit kailangang maging maingat sa paghahayag ng damdamin?
Bakit kinakailangang maging maingat sa paghahayag ng damdamin?
Ang paghahayag ng damdamin ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan.Kapag tayo ay masaya,malungkot,galit,naiinis,natutuwa o natatakot tayo ay nakakapaglabas ng saloobin.Subalit ang paghahayag ng saloobin ay kinakailangang sa paraang tayo ay maingat.Dahil ang ating nararamdaman o emosyon,ay nakakaapekto sa kung paano natin ipinahahayag ito.
Halimbawa na lamang kapag tayo ay galit,dahil sa tindi ng galit na ating nararamdaman para sa isang tao,nakakapagsalita tayo ng hindi maganda na siguradong pagsisisihan natin kapag tayo ay natauhan na.
Importante na sa bawat salitang ating binibitawan ay maging maingat tayo dahil ito ay hindi na mababawi pa.Maaaring makahingi pa tayo ng paumanhin subalit hindi na nito mababago ang mga oras na nakasakit tayo ng damdamin ng iba dahil lang sa maling pagpapahayag ng damdamin.
Maging maingat sa bawat salitang bibitawan at siguraduhin munang kalmado ang sarili at isipin ang kalagayan ng taong pagsasabihan nang sa gayon ay maiwasan ang magkasakitan.
Miyerkules, Agosto 26, 2015
Damdamin sa pagkuha ng NCAE
Alas singko ng umaga,gumising na ako upang maghanda sa pagpasok.Nagmamadali ako kumilos dahil inaalala ko na baka ako'y mahuli sa aming pagsusulit ngayon.Ngunit pagkarating sa eskwelahan,mahigit isang oras pa akong nag-antay sa pagsisimula nito.
Nang dumating na ang aming tagapag-bantay,sinimulan na ang pagbabahagi ng mga sagutang papel.Ayon sa mga paalala ng aming mga guro,kailangang maging maingat at totoo sa pagsagot sa nga katanungan.
Nakakapagod ang maghapong pag-upo at pagtingin sa mga bilog na kailangan markahan.Bukod sa maliit ay napakarami nito.Ngunit binawi naman ito sa tatlong beses na reses.
Habang aking sinasagutan ang pagsusulit,naging mas malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang nais kong kuhaing kurso pagdating sa kolehiyo.
Ipinagdarasal ko na lamang na ang aking sagutang papel ay basahin ng makinaryang gagamitin upang malaman ang resulta.
Miyerkules, Agosto 19, 2015
Paghahayag ng damdamin
Ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao ay isang mahalagang salik ng mabuting ugnayan.
Upang maihayag ang damdamin o saloobin, ito ay nangangailangan ng katapatan sa bawat salitang nais bitawan at kasiguraduhan sa nais bigkasin.
May mga pagkakataon na ang pagbibigay saloobin ay madali lamang.Halimbawa sa mga argumentasyon o debate at pagkokomento sa isang bagay.Samantala,ang paghahayag ng damdamin sa kausap,kasama o sa ibang tao ay madalas hindi nagiging madali.Depende pa rin ito sa damdaming nais ipaalam.Halimbawa pagsasabi ng nararamdamang pagmamahal sa isang tao at pagsasabi ng hindi magandang nakikita sa kausap.
Walang masama sa paghahayag ng damdamin.Basta't isiping mabuti ang mga nais sabihin at isaalang-alang rin ang damdamin ng taong makakatanggap nito.
Lunes, Agosto 10, 2015
Ikalawang Markahan
Inaasahan ko sa Ikalawang Markahan
Sinabi ko sa aking sarili na pipilitin ko na maging maayos ang pagganap ko sa markahang ito.Gagawin ko ang aking makakaya upang ang mga pagkakamali ko sa nakaraang markahan ay hindi ko na maulit.Inaasahan ko na bagama't magiging mas mapanghamon at madadagdagan ang mga dapat aralin,magiging mas masaya at mas marami na akong mauunawaan.Sa tulong ng kooperasyon ng aking mga kamiyembro,sa husay ng aking guro at sa pag-aaral ko ng mabuti alam ko na hindi ako mahihirapan ng lubos.
Paalam Unang Markahan
Masaya at mapanghamon, ganito kung ilarawan ko ang Unang Markahan.Naging masaya ako sapagkat ang mga araling tinalakay sa markahang ito ay halos nakatuon sa iba't-ibang akda ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.Ang ilan ay hindi makatotohanan at ang iba naman ay naglalarawan sa totoong buhay.Ngunit nakasisiguro ako na sa bawat akdang nabasa ay tiyak na kinapulutan ng aral ng bawat isa.Napag-aralan rin ang mga araling tulad ng mga sumusunod; mga transitional devices at pang-ugnay (pangatnig,pang-abay,pang-ukol),uri ng tula at wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.Kabilang rin sa mga natalakay ay ang Konotasyon at Denotasyon,Opinyon at Katotohanan.
Bagama't naging masaya ang markahan na ito para sa akin,aminado naman ako na hindi naging maganda ang pagganap ko sa klase.May mga pagsusulit na mababa ang nakukuha kong marka at mayroon rin akong isang takdang aralin na hindi naipasa.
Sabado, Agosto 8, 2015
Aking pinaka-nagustuhang "post"
http://kulotpalaako.blogspot.com/2015/08/walang-makakapigil-sakin-tama-na-yan.html
Sa lahat ng mga posts ng ilan sa aking mga kamag-aral,pinaka-nagustuhan ko ang kay Ms.Lovely Rose Griarte.Ito ay tungkol sa pag-iingat sa mga saloobin na ipahahayag.
Nagustuhan ko ang ipinaskil niyang ito dahil ito ay naglalaman ng mga makatotohanang pahayag o mga bagay na talaga namang hango sa tunay na gawain ng karamihan sa mga kabataan.
Sa aking pagbabasa ng kanyang ipinaskil,ako ay naaliw sa paraan ng kanyang pagpapaskil.Hindi ito nakaka-bagot basahin at tiyak ko na naglalaman ito ng munting aral para sa lahat.

Ang Paborito Kong Maikling Kwento
"Ang Dalawang Anghel"
May Dalawang Anghel na naglalakbay. Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at naghanap ng matutuluyan. May nakita silang malaking bahay.
"Doon tayo! Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang anghel.
"tok.. tok.. tok.."
Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Ang leeg niya ay nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.
"Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...." sabi ng nakatatandang anghel.
Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila. Nagaalinlangan ang matanda sapagkat sila'y nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel. Ngunit dahil sa pakiusap ng mga anghel na nagbalatkaong tao sila rin ay pinatuloy. Sila ay pinatulog sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan. Hindi sila inalok ng makakain kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom. Nung sila ay matutulog na, nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng kuwarto. Inayos niya iyon at isinarado ang butas. Nakatingin amang ang nakababatang anghel sa mga nangyari. Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis na. Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid.
"Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel.
"O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo... tingnan natin at tayo ay magtanong sa kanila.."
Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang magasawang matanda. Makikita sa kanilang tindig ang hirap ng buhay.
"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki.
"Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami ng pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay makaraos sa gabing ito.." Sabi ng nakatatandang anghel...
"Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae.
Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo apa ang alakbayin kinabukasan. Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig.
Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak. Lumabas siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik sa loob ng kubo ang nakababatang anghel na may galit. Hinarap ang isang anghel at sinabing
"bakit mo ito ginawa? iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya. Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila... Bakit???"
"Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa mansyon ng matndang matapobre na sinasabi mo..... nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding.. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon.... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan.... kinukuha ang matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking ibinigay...."
"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento... Kadalasan nauuna ang ating panghuhusga... Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala.. Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam...."
Sabado, Agosto 1, 2015
"Hawak Kamay"
Minsan madarama mong kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing "di ko na kaya"
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[Chorus]
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema'y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[Chorus]
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
[Bridge]
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako
[repeat Chorus]
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay

"Hawak Kamay" ni Yeng Constantino ang isa sa mga paborito kong kanta dahil sa napaka-gandang mensahe nito.
Ito ay nagpapahiwatig na bawat pagsubok na dumating sa ating buhay ay hindi maiiwasan na maiisip natin na sumuko na.Ngunit ang Diyos ay parati lamang narito upang gabayan tayo sa araw-araw.Palagi ring mayroong mga taong handang dumamay sa atin sa oras ng kalungkutan kahirapan maging ng kasiyahan.Nagbibigay pag-asa ito para sa akin na hindi tayo nag-iisa kailanman.
Linggo, Hulyo 26, 2015
Earthquake Drill
Isinagawa ang Earthquake Drill sa aming paaralan bilang bahagi ng Nationwide Earthquake Drill sa bansa.Layunin nito na masukat ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Mahalaga ang ginawang pagsasanay na ito para sa lahat dahil makatutulong ito upang mahasa natin ang ating kaalaman sa ganitong paghahanda.
Ayon sa aking na-obserbahan,karamihan sa aking mga kapwa mag-aaral ay hindi pa lubos na handa.Hindi sineseryoso at inuuna ang ibang bagay tulad ng pag-aayos ng kani-kanilang mga gamit at hitsura.
Sa ganitong pagsasanay,nararapat na ito ay isabuhay ng bawat isa. Dahil hindi maiiwasan o hindi natin malalaman kung kailan eksaktong darating ang sakunang katulad nito.Ngunit maiiwasan natin ang malubhang epekto kung tayo ay may sapat na kaalaman at mahusay na kahandaan.
Lunes, Hulyo 20, 2015
Kaibigan
Kaibigan
Ang kaibigan ay isa sa mga maituturing na pinaka importantent tao pra sa atin.
Ibat-ibang papel ang kanilang maaring ginagampanan sa ating buhay. Maaring bilang isang kapatid, karamay o inspirasyon. Ngunit ano pa man, nakasisigurado ako na ang kaibigan ay kailangan ng bawat isa.
Marami rin mga katangian ang maaring mayroon ang isang kaibigan. Parasa akin may tatlong katangian ang nais kong taglay nito;
Una isang mapagkakatiwalaang kaibigan na maaari kong maging karamay sa tuwing ako ay masaya at malungkot.
Pangalawa may takot sa Diyos na siyang nagsisilbing mabuting halimbawa.
Pangatlo isang tapat at maaasahang tunay na kaibigan.
Naniniwala ako na hindi mahirap makahanap ng kaibigan na mayroon ng mga katangiang ito. Sila ay kusang dumarating sa ating buhay sa gitna ng mga oras na sila ay ating kailangan.

Juan tamad
Juan Tamad (Pagsusuri)
Ang alamat na ito ay tungkol sa isang lalaki na ubod ng katamaran.Nakilala ang istoryang ito sa eksena na kung saan ay inaantay ni Juan Tamad na mahulog ang bayabas mula sa puno nito nang hindi siya kumikilos upang makuha ito. Ayon sa kuwento ay maraming pangyayari ang nagpapatunay ng likas na katamaran ni Juan.Halimbawa nito ay nang utusan siyang bumili ng kanyang ina ng talangka para sa kanilang hapunan. Habang siya ay pauwi,nakita ni Juan si Mariang Masipag at ninais nitong makausap ang dalaga kung kaya ay inutusan na lamang nito ang mga nabiling talangka na sa kanilang bahay nang mag-isa.Itinuro na lamang ni Juan ang direksyon patungo sa kanilang tahanan. Si Mariang Masipag ay ang dalagang sinisinta ni Juan Tamad. Halos araw-araw ay gumigising siya ng maaga upang dalawin ito na siya namang kinaiinisan ng ina ni Maria dahil ayaw nito sa katangian ng binata. Samantala,nang malaman ng ina ni Juan ang ginawa nito sa kanilang hapunan ay sumikip ang dibdib nito dulot ng sama ng loob sa anak. Dito na unti-unting nagbago si Juan.Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay at gumigising na siya ng maaga upang mamili ng kakainin nilang mag-ina.Pinagpatuloy na rin ni Juan ang panliligaw kay Maria at pinatunayan sa mga magulang nito na tuluyan na siyang nagbago. Dahil sa takot na mawala ang kaniyang ina dulot ng konsumisyong ibinibigay ni Juan at dahil na rin sa pag-ibig niya kay Mariang Masipag ginagawa na nito kung ano ang tama.. kung kaya't ang bansag sa kaniyang Juan Tamad ay tuluyan ng naging Juan Tama.
Repleksyon: Lahat tayo ay may mga katangiang hindi mabuti.Maaaring tulad ni Juan ay mabuti tayo ngunit may katangian pa rin itong hindi kaaya-aya.Ngunit hindi pa huli ang lahat lalo na para sa mga taong nais magbago.Natutunan ko sa kwentong ito na huwag na natin antayin pa ang mga maaaring mangyari dulot ng ating maling gawain.Laging isaalang-alang ang mga mabuting dulot ng paggawa ng mabuti.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)